loading...
Mabisang Gamot sa Sakit Ng Ngipin: Natural na mga Pamamaraan - infokerenxyz

Saturday, March 10, 2018

Mabisang Gamot sa Sakit Ng Ngipin: Natural na mga Pamamaraan



Masakit ba ang ngipin mo? Dahil mahilig kumain ang mga Pilipino, ang pananakit ng ngipin ay isa sa pangkaraniwang problema na hinahanapan ng solusyon ng ating mga kababayan. Alam mong ang pagbisita sa dentista ang pinaka mahusay na gawin ngunit kung wala kang oras magpunta sa doktor, tamang tama ang artikulong iyong napuntahan dahil pag-uusapan natin ang natural na mga pamamaraan para mabawasan ang sakit ng iyong ngipin, kahit nasa bahay ka lang.




Ang pagkabulok ng ngipin ay siyang pangunahing dahilan ng pagsakit,pamamaga at pangingilo nito. Ang pagkabulok ng ngipin ay dahil sa mga bacteria sa bibig na nabubuhay sa mga tira tiring pagkain na hindi naalis sa ngipin at sa gilagid. Nakagagawa ang mga bacteriang ito ng asido na maaaring makasira ng ngipin. Kapag naabot na ng pagkasira ang ubod ng ngipin mo, yan na ang panahon na pahihirapan ka ng matinding sakit. May iba pa namang sanhi ang pagsakit ng ngipin. Kabilang diyan ang hindi na maayos na pasta, pagkatipak ng ngipin, impeksiyon sa gilagid o sinusitis. Ang lahat ng impeksiyon sa ubod ng ngipin ay tiyak na magdudulot ng sakit.


Ang pangingilo ng ngipin ay nangyayari kapag mahantad ang ubod ng ngipin kung umuong ang iyong gilagid kapag ikaw ay uminom mg mainit, malamig o maasim na mga pagkain. Kung minsan, ang paghinga ng sobrang lamig na hangin. Ang pananakit ay maaaring napakatindi depende sad mi ng ngipin na kasangkot.

Ang sakit ng ngipin ay iba-iba depende sa kung ano ang sanhi, subalit ang pagbisita sa isang dentista ay magpapa-ikli ng iyong paghihirap. Kung wala ka namang panahon para makipagkita sa dentista, pwede ka namang bumili sa botika ng gamot para sa pananakit. Ang pag inom ng aspirin o mefenamic acid ay tutulong saiyo na malabanan ang sakit. Maaari mo ring subukan ang sumusunod na mga pamamaraan.

MABISANG GAMOT SA SAKIT NG NGIPIN: NATURAL NA MGA PAMAMARAAN

Kung ayaw mong uminom ng artipisyal na mga gamot dahil takot ka sa side effects, maaari mong subukan ang mga sumusunod.



Gumamit ng luya. 

Magdikdik ka ng luya, ilagay mo sa baso ang katas nito. Kumuha ka ng kaunting tubig at ihalo sa katas. Kumuha ka ng bulak at gawin itong cotton balls. Ibabad moa ng cotton balls sa katas ng luya. Ilagay ito sa masakit na ngipin. Tandaan, maaai itong makasakit sa gilagid kaya ilagay lamang sa ngipin ang bulak. Pwede ka ring gumamit ng ibang maaanghang na sangkap.

Magmumog ng agua oxinada. 

Sandali! Basahin mo muna ito ng kompleto. Para mamatay ang mga bacteria na sanhi ng pananakit, magmumug ka ng 3% na agua oxinada o hydrogen peroxide na ihinalo sa tubig. Ito ay magbibigay saiyo ng panandaliang ginhawa kung ang pananakit ng ngipin ay may kasamang lagnat at masamang panlasa sa bibig, ang dalawang ito ay mga sintomas ng impeksiyon. Ngunit tulad ng ibang natural na pamamaraan, ang pagmumug ng solusyong ito ay panandalian lamang habang hindi ka pa nakapagbibisita sa dentista at malunasan ang impeksiyon sa bibig mo. Ang agua oxinada ay panglinis lamang. Kailangan mo itong ibuga, pagkatapos, magmumog ka nang malinis na tubig ng ilang beses bilang pangbanlaw.

Magmumog ng tubig na may asin. 

Haluin ang isang kutsarita ng asin sa isang basong malinis na tubig. Magmumog nito sa loob ng 30 segundo bago ito iluwa. Ang tubig alat ay lilinis sa mga ngipin at sa gilagid. Tatanggalin nito ang anomang likido na maaaring dahilan ng pamamaga ng ngipin mo. Ulitin ang prosesong ito kung kinakailangan.

Gumamit ng yelo.

Maglagay ng maliliit na piraso ng yelo sa loob ng isang plastic bag. Balutin ng tela ang plastic bag at ipatong ito sa sumasakit na ngipin sa loob ng 15 minuto para mamanhid ang mga nerves. Pwede namang ipatong ang yelo sa may pisngi sa lugar kung saan matindi ang pananakit.

Gumamit ng tea bag. 

Ang paggamit ng basa at mainit na tea bag ay isang sikat na lunas sa sakit ng ngipin na pwede mong subukan. Ang tsaa ay naglalaman ng tannin, isang uri ng astringent na maaaring magbawas sa pamamaga ng ngipin at magbibigay saiyo ng panandaliang ginhawa.

Gumamit ng toothpaste na sadyang ginawa para sa mga may sensitibong ngipin. 

Kung ikaw ay may pangingilo ng ngipin, ang paggamit ng toothpaste na ito ay maaaring magpaginhawa sa pananakit na nararamdaman mo tuwing iinom ng sobrang init o lamig na inumin. Kapag ikaw ay kumain ng mainit o malamig, ang iyong gilagid ay maaaring kumipot. Ilalantad ng pagkipot na ito ang ubod ng ngipin na maaaring maging dahilan ng pangingilo.

Paggamit ng malambot na hibla ng toothbrush. 

Gumamit ng pinakamalambot na hibla ng toothbrush na maaaring mabili para maiwasan ang pagkasugat ng gilagid.

Kung ikaw ay may nabiak na ngipin o kaya’y ang iyong pasta ay maluwang na, mababawasan ang pananakit sa pamamagitan ng pagtatakip ng chewing gum sa nasirang bahagi ng ngipin. Maaari mo itong gawin hanggang sa makipagkita ka saiyong dentista. Para makaiwas sa sobrang pananakit, umiwas sa pagnguya ng matitigas na pagkain hanggang sa maipaayos mo ito sa dentista.


Subukan mong masahihin ang gitna ng iyong hinlalaki at hintuturo sa loob ng dalawang minuto. 

Ang paggawa ng pamamaraang ito ay magpapalabas ng hormone na endorphins, isa sa mga tinatawag na feel good hormones na maaaring magpawala ng sakit. Huwag mo itong gawin kung ikaw ay buntis.


KAILAN DAPAT MAGBISITA SA DENTISTA

Kahit ano pang pamamaraan ang gawin mo, huwag mong kalimutan na kailangan mong magbisita sa doktor. Ang mga pamamaraang ito ay para sa panandaliang ginhawa lamang. Kailangang suriin ng doktor ang dahilan kung bakit sumasakit ang ngipin mo. Siguro, may problema sa mga ngipin mo na nangangailangan ng propesyonal na atensyon. Kapag hindi mo matiyak kung ano ang dahilan ng pananakit, lalala lamang ito. Ito ang ilan sa mga sintomas na magsasabi kung kailangan mo nang pumunta sa dentista:
  • Ang pagsakit ng ngipin ay hindi naaalis sa loob ng isa o dalawang araw
  • Ang pananakit ng ngipin ay napakatindi
  • Ikaw ay may lagnat
  • Masakit din ang tainga mo
  • Masakit kpag ibinubuka ang bibig

No comments:

Post a Comment